…the grey rain-curtain of this world rolls back, and all change to silver glass…and then you see it…white shores… and beyond…the far green country under a swift sunrise.
Are You One of Us?
1. Paborito
mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine
Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break
muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil
panahon na para sa superhero marathon. [humanda na kayo...kampon ng kadiliman....]
2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)
3.
Nanood ka ng Takeshi’s Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si
Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo -
pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa
isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan
ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)
4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.
5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle,
prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.
6. Pumunta ang mga taga-MILO sa skul niyo at namigay sila ng
samples
na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream.
(at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko
sa bahay namin?)
7. May malaking away ang mga METAL (mga
punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong
na kahit Makita na ang dalawang bundok.)Nag-aabangan sa mall na may
dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang
kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede
mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.
8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.
9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP. [hahahaha!! totoo yan!!]
10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon) [hahaha...makikipag-away ako sa classmate pag di naka-laro! ]
11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!) [madami akong collection nyan]
12.
Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si
Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang
buhatin niya si Andre d’ Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa
muscle. [parang may nangyari din atang ganyan kay Hulk Hogan]
13.
Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na
nakapagpamukha sa’yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle
It, Pray at Can’t Touch This. [can't touch this....tarararan...can't touch this]
14.
Hindi ka gaanong mahilig sa That’s Entertainment at pinapanood mo lang
ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang
Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil
pinakabaduy lagi ang performance nila!) [er..yan lang ang di ko napanood, inaantok ako lagi...]
15.
Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin
Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After
Image,Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat
na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!) [oo! hindi ko itinatanggi!]
16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second generation)
17.
Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag
umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin
itong "Mighty Kid".
18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa’yo
ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan),
saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.
19.
Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you’re girlfriends ay
luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang
pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung
meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.) [kabaong ni Barbie??]
20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.
21.
Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga
kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing
umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Flaunders a.k.a. Nelo. (Hindi ka
ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang
ang di yumaman at namatay pa ng maaga) [ak! napakasakit kuya eddie!]
22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"
ehehehe…gusto
ko lang idag-dag…uso rin nun yung "Million Dollar Movies"(kung saan 2
beses kong napanood ang "The Fly"), Friday the 13th the Series, Mission
Impossible the Series (kung saan may mga sumasabog na computer at mga
taong nagpapalit ng anyo sa pamamagitan ng rubber masks na mukhang
totoong-totoo at sa end ng bawat episode tinatanggal nila ito), Steven
Spielberg’s Amazing Stories, Star Trek (to boldly go where no one has
gone before! tanananan!) Eerie Indiana (wag mong sabihing hindi mo
kilala sina Marshall at Simon at ang napaka wirdong lugar ng Eerie,
Indiana POP 800), He-Man & The Masters of the Universe (ang walang
kamatayang "I have the Pooooweeeeerrr!") Conan the Barbarian, yung War
of theWorlds (kung saan malalaman mong ang isang tao ay na-assimilate
na ng alien kapag kumakain na sila ng damo sa backyard at may extra
hand na lumalabas sa dibdib!)
nandyan
din ang tanong na "Who killed Laura Palmer?"ng Twin Peaks
(nagpa-contest pa ang ABS noon kung sino makaka-hula sa killer -
napag-alaman sa huli na yung ama pala nya ang salarin na na-possess ng
ispiritong nag-ngangalang "BOB"!). Ito rin ang mga panahon kung kailan
si tatay ay adik sa NYPD Blue at Forever Knight (kung saan ang bida ay
isang pulis na bampira na may stock ng dugo sa ref nya!) At sino ba ang
makakalimot sa "Baywatch" (na pinagbibidahan ni David Hasselhoff - tama
ba spelling?) Tapos dumating pa ang The Uncanny X-Men
(tanananan-nanan…tanananan!) Nung mga panahong yun eh ang basa pa
namin sa Wolverine eh "Wolver-rayn"…ahahaha…
ito rin ang panahon kung kailan naisipang patayin ng DC Comics si Superman, at ng Marvel Comics si Ghost Rider.
At
sino ba ang hindi nakarinig sa Operation Desert Storm at Desert Fox
(uy, may t-shirt ako nun…hehehe), ang "Invasion of Kuwait"….? and
on 1993? 1991? yung Bosnian War.